Saturday, July 13, 2013

Hulaan nyo kung nasan ako! :)
I <3 MINIONS!

So dapat gagawa kami ng
Hula-Hula din! :>
Investigatory Project namin kaya nagpunta ako sa bahay ng kaklase ko ng 11am. Muntik pa nga ako mabangga sa sobrang katangahan ko. Mag-isa lang kasi ako kanina kaya sobrang kaba. Di talaga ako sanay ng mag-isa. Tapos balak talaga namin na manood ng despicable me 2. Tapos siguro 5 mins ako sa labas ng bahay ng kaklase ko kasi kelangan pala ipakakapindot doorbell nila. Haha. Tapos wala kasi kameng basehan nung chapters 1-3.  Nakakatawa kasi simula first year kami gumagawa na kami ng IP pero di parin namin alam kung ano mga dapat ilagay. Haha. Tapos tinext namin yung isa pa naming kagroup tapos chinorba namin yung libro. Naiwan pala yung example na IP na binigay nung teacher namin dun sa school. Eh yung school namin nasa bundok pa. Yung despicable me magsstart na ng 1. eh 12:45 na nun kaya nagtaxi nalang kami. P240 balikan, mahal. Tapos edi medyo nalate kami ng 5mins lang naman. Birthday na ni Agnes yung naabutan namin. Nakakatuwa talaga yung movie. After naming manuod nagpunta kami dun sa photobooth nila. Edi nagpapicture kami. Salamat pala sa paglibre, Hannah! Tapos may meet and greet din daw sa minions. Sobrang tuwa ko. Ang cute talaga nila. Tapos ayun. Haha.

Tuesday, July 9, 2013

Karapatan bilang isang mag-aaral

Magandang gabi! Naghahanap ako ng karapatan ng mga mag-aaral. Napapaisip lang ako kasi baka mamaya inaalipusta na pala kami. Okay lang bang minumura yung mga studyante? Okay lang bang sinisigawan sa harap ng buong klase? Hindi ba nakakaawa yung tao kasi malamang may isip na sya/sila tapos ipapahiya mo lang? Yung tipong parang ginagawa kang tanga. At yung nagpapasquat? Wala lang, naisipan ko lang. Marami pa akong dapat gawin, pero eto yung inaatupag ko.

Monday, July 8, 2013

Happy Birthday Miguel!

Okay, birthday ngayon ng tropa ko, si Miguel. Wala lang. Trip ko lang sabihin. Naningin ako ng mga blog nung mga kaklase ko. Taon nadin yung nakalipas simula nung last post nila. Nakakatawa lang kasi medyo korni yung nakalagay dun sa iba. May nakita ako na medyo maka k-pop din. Natuwa ako kasi yung post nya picture lang din nung gusto nyang singer. Katulad nung pinost ko dati pero dinelete ko na nga kasi gusto kong maging matino. Haha. Nagreport ako ngayon sa Filipino, at syempre nasabon nanaman ako nung teacher namin. Pero ayos lang, lagi naman syang ganun. May quiz kami sa physics at pehm bukas. Paniguradong nganga ako bukas kasi wala talaga akong balak mag-aral. Bahala na si Batman (pasensya na batman, lagi nalang kitang dinadamay).

Matagal na rin pala

Matagal tagal narin pala simula nung huling beses akong nagpost. Project ko talaga to nung 2nd year palang ako. At ngayon ay 4th year nako. Dito kasi kami pinagpopost ng kung ano anong homework namin. Pagkatapos ngayon, pinagdedelete ko na. Gusto ko na sanang maging matino tong blog nato. Pasensya na kung tagalog (kung may nagbabasa man) ayaw ko kasing nageenglish kasi baka mali mali naman grammar ko, ayos na siguro yung ganto. Napapahayag ko naman ng matino yung gusto kong sabihin.